Saturday, October 6, 2007

Kristine laging binibitin si Diether


Ibang-iba na ang appeal ngayon ni Rafael Rosell, no wonder isa na siya sa mga sinasabing pambatong heartthrobs ng Dos.

Nakita namin ang binata sa presscon ng Prin-sesa ng Banyera (ipapalabas sa ika-8 ng Oktubre), sinabi niyang seven years na pala siyang artista pero ngayon lang siya nabigyan ng mga break na challenging sa kanya.

Kapareha rito ni Rafael si Angelika dela Cruz pero siyempre, knowing niyo naman ang mga soap opera ng Dos, may mga twists ever, kaya siguradong masisilayan niya rin sa huli ang beauty ng magandang si Kristine Hermosa. At doon na magsisimula ang lahat.

Laking Norway si Rafael pero sabi niya ay nagsikap daw talaga siya na matutong magsalita ng tagalog. Naniniwala si-yang ‘pag may ginusto kang isang bagay, dapat ay pagsikapan mo na makamit ito. ‘yan nga ang ginagawa ng guwapong hunk papa.

Hmmn, hindi kaya ma-insecure ang ilang hunks sa Star Magic ngayong nagsa-shine nang muli si Rafael at talagang determinado ang aktor to make a name for himself, huh?

Why not? As long as, wala siyang tinatapakan at ina-agrabyado, go!

Kaya pala ganoon ka-determinado si Rafael na maabot ang pangarap niya ay dahil marami siyang gustong patunayan.

In fairness, marami na siyang na-achieve. Ang pinaka-latest nga ay ang Urian ng Best Supporting Actor trophy niya.

* * *
BLIND ITEM: Totoo nga pala talaga ang sinasabi ng marami tungkol sa baguhang singer na bilib sa sarili at yumabang na ito nang tuluyan!

Nadismaya ang ilang fans umano ng nasabing baguhang singer nu’ng minsa’y makasalubong ito papalabas ng studio.

Papunta pa lang ang singer, ang mga fans ay papalabas na umano ng studio.

Ganoon daw ang eksena. Ayon pa sa nagkwento sa amin, sa sobrang tuwa siyempre binati daw ng fans niya ang baguhang singer na itetch at gusto pa raw sanang magpa-picture ng mga ito with the singer eh, kaso, umiwas ito na tila hindi niya type makipag-batian at yumuko raw papalayo sa fans.

Sabi pa raw ng isang nakakita, totoo pala ang mga kuwento tungkol sa baguhang singer na ito, walang amor sa fans at yumabang na!

Aray ko po, ba’t ka naman ganyan?

Madali lang hulaan kung sino ang singer dahil sumikat siya sa isang reality search at magaganda ang kanyang mga kanta, in fairness.

‘Yun nga lang kung gaano kaganda ang mga awitin niya’y kasing pangit naman ang mga publicity about her.

Ang apelyido niya ay laging naririnig tuwing panahon ng Santacruzan. Yes, kapareha ng Reyna Elena ito.

‘Yun na!

* * *
Marami ang nag-react sa sinabi ni Kristine Hermosa na kaya sila nagpasya ni Diether Ocampo na maghiwalay temporily para magkaroon sila ng space at upang may time sila na i-re-assess ang kanilang mga sarili pagdating sa kanilang relasyon.

Hmmn, okay na sana, eh…

Naging malabo lang nu’ng sinabi ng aktres na sa bandang huli kung bibigyan daw sila ng pagkakataon muli, ay si Diet pa rin ang mamahalin niya.

Mahal pa rin daw niya hanggang ngayon si Diether. Kaya marami ang nagtataka, bakit pa raw sila naghiwalay?

Sinabi ng aktres na marami pa umano silang bagay na dapat ayusin at mas gusto raw niyang isaayos muna ang pamilya niya bago nila pag-usapan muli ni Diether ang tungkol sa mga buhay nila.

Kung bibigyan pa raw muli sila ng chance, magiging masaya siya. What if hindi na?

Well, bitin kung ganun si Diether sa posibilidad na magkabalikan pa sila ni Kristine.

Ayon pa kay Kristine, hindi raw niya alam ang magiging sagot niya basta sa ngayon ay nakasentro sa Panginoon at sa pamilya niya ang buhay niya.

Bati na sila ng Mommy Mai niya, isa raw ito sa nagpapasaya kay Tintin.

O, siya! Malay natin, naniniwala si Kristine sa love is sweeter the second time around?

Teka may ganoon pa ba sa panahon ngayon?

No comments: