SA ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang linggo, ang celebrity housemate na si Megan Young ay nahaharap sa posibleng eviction sa Pinoy Big Brother house. Ito ay sa dahilan siya ang piniling i-nominate ni Ethel Booba.
Bilang Head of Household, may karapatan si Ethel, sa bisa ng power na ipinagkaloob sa kanya ni Big Brother, na magbigay ng automatic nomination sa sinumang housemate na kanyang piliin.
Hindi naman naging madali para kay Ethel na piliin si Megan. Medyo nag-atubili pa siya bago ibinigay kay Megan ang black medallion na nagsisimbulo na nominated for eviction ang young star.
Bukod kay Megan, ang iba pang nominado for eviction sa linggong ito ay si Mutya ng Pilipinas 2007 quitter Zara Aldana at ang Geisler Brothers. Si Zara, na reklamo ng mga housemates ay hindi pa rin maka-establish ng connection sa kanila, ay nakatanggap ng10 nomination points.
Siyam na puntos naman ang natanggap ni Baron Geisler dahil, ayon sa mga housemates, hindi nila feel ang pagiging tactless at insensitive ng actor. Dahil sa kanilang two-in-one status, nanganganib din ma-vote out ang Taekwondo champ na si Donald, kasama ni Baron.
Nakatakdang maganap sa Sabado ang second eviction night sa Big Brother House. Sino kaya kina Megan, Zara, and the Baron-Donald tandem ang magpapaalam sa Bahay ni Kuya? Para iligtas ang paborito ninyong housemate, mag text na.Text BB
No comments:
Post a Comment