Saturday, November 3, 2007

Boy Abunda nag-sorry para kay Mariel


ANG manager na ni Mariel Rodriguez na si Boy Abunda ang humihingi ng pang-unawa at dispensa sa tinuran ng kanyang alaga in one of the episodes of Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.

Kamakailan kasi, nag-dialogue si Mariel sa loob ng Bahay ni Kuya na kadiri ang showbiz habang kausap nito si Jon Avila.

Marami ang nag-react sa statement na ’yun ni Mariel dahil hindi naman tama na marinig ang mga ganu’ng salita mula sa kanya since nasa showbiz din naman siya.

Unfortunately, hindi napanood ni Kuya Boy ang naturang episode at gusto niya munang malaman kung paano nasabi ni Mariel ’yun. Baka naman daw kasi may pinanggalingan ang statement.

Nevertheless, siya na ang humihingi ng dispensa sa mga nasabi ng alaga.

“Ano pa nga ba, eh, ’di eto na naman ako at humihingi na naman po ng sorry,” sabi ni Kuya Boy sa mga nakatsikahang reporter recently.

Matatandaan kasing sinalo rin ni Kuya Boy ang alagang si Ai-Ai de las Alas nang magkamali itong makipag-usap sa GMA-7 management nang hindi niya alam, dahilan para mapabalitang lilipat nga ang komedyana.

Humingi noon ng dispensa si Kuya Boy sa mga bossing ng GMA-7 at ABS-CBN na nagulo dahil sa ginawa ni Ai-Ai.

Samantala, from a reliable source, we learned na baka hindi na palabasin sa loob ng PBB house si Mariel dahil malaki ang naitutulong nito sa ratings ng programa.

Si Mariel daw ang nakakapagpa-add ng spice sa PBBCE 2 at proof na nga ’yung lahat ng ikilos niya at sabihin sa loob ng Bahay ni Kuya ay pinag-uusapan.

No comments: